Tinitignan ko ang mga larawan ko noon. Ang laki ng nilaki ko. Literal! Nakakalungkot isipin na nung panahon n ayun ay pakiramdam ko ang panget ko.. ang taba ko.. samantalang ngayon tunay na uhm.. huggable ako ay feeling ko ang ganda ko.. Sayang lang at sana nuon pa man, na suot ko na ang mga gusto kong suotin at nagawa ko na ang mga gusto kong gawin.
Noon:
Ngayon, nahihirapan na ko umakyat ng hagdan, mag high heels, at d na kasya ang mga pantalong ko dati. Madalas na ko ma winnie the pooh. Iba na kasi siguro ang activities ko ngayon. Mas gusto ko pa matulog. Haaaay... In a span of a year or two, ang laki ng binigat ko :(..
O diba? Pero syempre may matitinong pictures pa naman ako ngayon.. baka isipin niyo ganyan itsura ko in real life.. d naman masyado.. ehehehhee.. mas maganda ako ng in person.. tarush! ahahahahha
At least ngayon, mas feeling ko na maganda ako.. Ahahahah! Haba ng huuur ko ngayon eh. Howell, sana the sportsfest helps in me getting back into shape.
Iba siguro talaga nagagawa ng confidence. Dahil kahit lumaki ako, mas marami nag sasabi na umaayos ren naman itsura ko (wala naman nagsasabi na panget ako noon eh, mas marami lang nagsasabi na maganda ako ngayon). Yun na ren siguro ang effect sa ken ng pagiging optimistic.. sabi nga nila, you are what you think. Therefore I'm adobo!! este.. I'm beautiful (sorry.. gutom lang d pa nag didinner).
. . . . . .
But then, may moments na feeling ko ang panget ko talaga.. na naiinsecure ako sa ibang tao.. and i know this post won't help me. Everytime na makikita ko to, malulungkot ako lalo na pag i'm depressed.. na maaalala ko na may time sa life ko na pwede ko gawin ang mga gusto ko, pero di ko ginawa. Na iisipin ko ano ba nangyari sa ken bakit ako biglang namaga. Na wag ako mag maganda dahil di ako maganda.
I know, baka mababaw lang to sa ibang tao.. pero kung babae ka, you'd understand how I feel. Kahit ang mga payat at magaganda, ay may mga ganitong moments ren.
So mag iiwan ako ng note sa sarili ko (at sa ibang tao) next time na mabasa ko to:
Note to self: Mabuting tao ka. Alam mo sa sarili mo na mabuti ang kalooban mo at yun ang tunay na kagandahan. Ang mahalaga ay kung pano ka nabuhay, paano ka sa ibang tao.. paano ka sa sarili mo. Kung pano ka babangon pagkatapos ng bawat pagsubok. Di ka man blessed sa genes, blessed ka naman sa ibang bagay at dapat magpasalamat ka para dun. And ano man itsura mo, may nagmamahal sayo. Ang laki ng inimprove mo as a person, so don't stop now. Stay optimistic. See the glass as half-full.
aaaaand dahil sobrang serious na, at if nde mag work yung note sa taas, eto.. last note:.. ika nga ng isang beri gud friend ko.. balance of nature lang... d pwedeng maganda at matalino in one.. kaya matalino ka!!!.. ehhehehehe
*ni resize ko yung pics.. d ko sure kung tama.. wala kasi akong photoshop eh.. huhuhuhu
na-miss ko yung ganitong post mo ah. mula kasi nung nagtrabaho ka na, naging seryoso ka na... hehe.
alam mo, relate ako ha. dati sa Singapore, ang sexy ko... huwaaark! O sige na nga, mas payat ako kaya kahit ano kaya kong isoot, maganda ang dating saken. Yun nga lang, ala naman akong sariling pera dahil ala naman akong trabaho kaya di ako makaporma. Ngayon na may trabaho na ako at kumikita ng limpak limpak na barya at kaya ko nang mag-fashionista, ang taba ko naman, di pa rin ako makaporma. Haaay!
Best viewed in internet explorer 7.0 1024 x 768.. it's my first time to create a header with my pictures. Teehee. I'll still be editing this template.
About me
loves the moon... loves to sing... 212223 24 years old..
scorpio.. loves to talk.. Graduating BUM!
... Junior Consultant.. THOMASIAN... loves her
friends.. selfish.. bitchy.. tactless.. loves to watch basketball and
plays volleyball, basketball, frisbee, and badminton. Drools over tracy mcgrady,
usher raymonds, pharell williams, brandon boyd, vic sotto and the likes.
self confessed masochist.. Loves the number
one.. emo.. loves drama.. listens to a lot of genre.. from
dream theater to patti austin.. easily falls in love.. heart
is easily broken.. doesn't believe in courtship.. tries
to believe in courtship. plays the guitar.. doesn't know how
to drive.. loves the color black..
not really emo but has her own share of emo-ness... ultimate
cam whore! missing the drama in my life..
kaladkarin.. simple pleasures in life: caffeine, nicotene, alcohol and very cold milo.
2 Comments:
alam mo, relate ako ha. dati sa Singapore, ang sexy ko... huwaaark! O sige na nga, mas payat ako kaya kahit ano kaya kong isoot, maganda ang dating saken. Yun nga lang, ala naman akong sariling pera dahil ala naman akong trabaho kaya di ako makaporma. Ngayon na may trabaho na ako at kumikita ng limpak limpak na barya at kaya ko nang mag-fashionista, ang taba ko naman, di pa rin ako makaporma. Haaay!
Post a Comment
<< Home